Sunday, September 28, 2008

Pag-ibig!

Pag-ibig, mula nang ikaw ay makilala
Ikot ng mundo ko ay biglang nag-iba
Ang gabi sa akin ay tila isang umaga
At ang buwan sa langit ay tila isang tala.
Pag-ibig, puso ko’y iyong ginising
Niyugyog, hinango sa pagkakahimbing
At sa muling pagtibok, puso’y lubhang nahumaling
Nag-alala, naguluhan, di na alam ang gagawin.
Pag-ibig, mula nang ikaw ay dumating
Kahit bituin sa langit ay kaya kong sungkitin
Kahit anong lalim ng dagat ay kaya kong sisirin
Huwag ka lamang lumisan sa aking piling.
Pag-ibig, you are really great.
Puso ko’y binigyan mo ng kakaibang beat
Pakiramdam ko lagi, ako ay nasa langit
Kasama ang mga angels at kami ay umaawit
Pag-ibig, Pag-ibig
Sinuyo mo ang aking dibdib
Mga buto sa tuhod ko’y iyong niyanig
Pag-ibig, ako ay iyong napabilib.
Nguni’t, puso pala ay nagkamali
Di ko alintanang ito ay masasawi
Ang madarama pala’y walang kaparang hapdi
Pag-ibig, ito ba’y iyong minimithi?
Pag-ibig, akala ko’y wala ng wakas
Ang ligayang handog mo sa bawat oras
Sa huna ko, mga ngiti ay di na lilipas
Oh my God, parang ako ay na teargas.
Pag-ibig, bakit nga ba ganyan ka?
Bakit dumating ka kung ako’y luluha pala?
Sana’y di na lang ginising ang pusong aba.
At nang di naranasan ang sakit na walang kapara.
Ay Pag-ibig, ano nga ba ang mayroon ka?
At iyong inalila ang pusong kawawa
Pag-ibig, bakit lubha kang pabaya?
At hinayaang ang puso ko ay magdusa.
Pag-ibig, hanggang kailan matatapos
Ang sakit ng damdaming iyong binusabos?
Hanggang kailan magwawakas ang unos
Ng pusong nagdudurugo at naghihikahos?
Pag-ibig!

No comments: